--Ads--

CAUAYAN CITY- Personal na bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lambak ng Cagayan para mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo na tumama sa Rehiyong Dos.

Unang nagtungo ang pangulo sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na lubhang naapektuhan sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito, sunod naman niyang bibisitahin ang Lalawigan ng Isabela partikular ang bayan ng Cabagan at Lungsod ng Ilagan na nakaranas ng malawakang pagbaha dahil sa mga bagyo.

Sa naging pagpapahayag ni Pangulong Marcos, tiniyak niya na patuloy ang pag-produce nila ng mga Family Food Packs upang masiguro na mahatiran ang lahat ng mga apektadong indibidwal.

Maliban sa paghahatid ng tulong ay sa mga nasalanta ng bagyo ay magsasagawa rin sila ng damage assessment sa Agrikultura at Imprastraktura pangunahin na sa mga napinsalang flood control.

--Ads--