--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Isabela dahil sa pinsalang naitala sa pananalasa ng sunud-sunod na mga bagyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano, sinabi niya na idineklara na niya ang state of calamity sa buong lalawigan ng Isabela at aaprubahan na lamang ito ng konseho bukas, araw ng lunes.

Aniya hinihintay na lamang nila ang P20 milyon budget na ibibigay sa mga magsasaka at inaasahang hati-hatiin ng tig-5,000 maliban pa sa naibigay ng Office of the President nang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lalawigan.

Tiniyak naman niya na patuloy ang kanilang pag-iikot sa mga bayan upang mamahagi ng tulong sa mga apektadong residente tulad ng mga construction materials tulad ng yero lalo na sa bahagi ng Angadanan at Alicia na marami ang mga nasiraan ng bahay.

--Ads--

Pinag-aaralan naman ngayon ni Gov. Albano kung paano matulungan ang mga corn farmers. Ito ay dahil sa kasalukuyan sa mga palay farmers sa Isabela ay mahal na ang pagbili nila ng palay sa pamahalaang panlalawigan at malaki ang naitulong nito sa mga rice farmers.

Nakatakda namang magsagawa ng pagpupulong ang pamahalaang panlalawigan at mga punong bayan para sa pamamahagi ng financial assistance sa bawat bayan.

Plano rin nilang maglaan ng pondo para sa dredging sa mga ilog sa bahagi ng Alicia, Echague at Angadanan dahil sa naitalang malawakang pagbaha.