Pormal na binuksan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang 3rd Batch ng Partnership for Education Advancement and Community Empowerment o PEACE Program.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army LtCol. Melvin Asuncion ang Division Public Affairs Office Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na iba’t ibang programa ang isinagawa ng Militar nitong mga nagdaang araw.
Aniya ilan dito ang Pormal na pagbubukas sa 3rd batch ng PEACE Program mula sa AREA ng 502nd Intrantry Brigade at 508th Infantry Brigade.
Pinangunahan ni Maj. Gen. Gulliver Sinieres ang pagbubukas ng Prgrama.
Sa kabuuan ay mayroon ng 127 individuals ang nakakumpleto sa programa at may pormal ng trabaho na pinagkakakitaan.
Ang naturang programa ay naka disensyo para igyang opurtunidad ang mga target beneficiaries sa pamamagitan ng paglinang sa kanilang skills sa Masonry, Planning, Electrical at Tile Setting.
Maliban dito ay nagkaroon din ng awarding para sa mga World War II Veterens kung saan 35 ang tumaggap ng United States Congressional Gold Medal Award at ang pinakamatandang tumaggap ng pagkilala ay si PFC Crispin Mejia Sr. na kasalukuyang 104 years old.
Naging abala rin ang 5th sa pangunguna sa pagbuo ng Regional Federation of Former Rebels People’s Organization sa Cagayan Valley na ang pangunahing layunin ay bumalangkas ng mga polisiya at panuntunan para maisaayos ang mga programang nakalaan para sa mga dating rebelde na nagbalik loob na sa Pamahalaan.
Samanatala kasalukuyang ginaganap ang invitational golf tour sa pangunguna ng 5th ID na layuning makalikom ng pondo para sa mga military dependents at survivor ng mga bayaning sundalo.
May ilang Charity Events pa ang nakahanay sa susunod na Linggo partikular ang Funbike at funshot for a cost