CAUAYAN CITY- Pormal ng pinailawan ang 4 kilometers Christmas Lights sa pamosong Champs Élysées at higanteng Christmas Tree sa Galeries Lafayete .
Ang lighting ay pinangunahan ni Ann Hidalgo.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva na taon taon itong isinasagawa at mula ngayong araw hanggang January 3 ay bukas at magliliwanag ang Champs Élysées.
Sa katunayan kahit na may kahabaan ang Champs Élysées ay malaki ang natitipid dahil ang mga ilaw at LED na may mababang konsumo sa kuryente.
Bukas narin ang Christmas in display at Christmas Village.
Tuwing malamig ang panahon at tuwing nalalapit ang pasko ay isa sa mga tradisyunan na pagkain sa France ang hot red wine.
Halos dagsain naman ng maraming mga tao ang mga binuksang Christmas display dahil sa ilang taon din itong natigil dahil sa pandemiya.
Maraming mga Pilipino naman ang naging emosyonal dahil sa muli ay magpapasko sila na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.