--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanatiling Zero case ang naitatala ng Public Employment Service Office o PESO Office kaugnay sa bagong minimum wage na umiiral sa Lunsod ng Cauayan.

Matatandaan na tumanggap ng 30 pesos increase ang mga mangagawa sa Lunsod matapos na ipatupad ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board ang wage order.

Mula sa dating 450 pesos ay magiging 480 pesos na ang minimum wage sa Region 2 habang sa Agricultural sector ay 460 at sa mga kasambahay ay 6,000 pesos para sa isang buwang sahod na naging epektibo noong October 17,2024.

Ayon kay Atty. Divina joy gonzales sinabi niya na wala silang naitalang anumang reklamo sa mga negosyong hindi nagpapatupad ng bagong wage order.

--Ads--

Tiwala silang tatalima dito ang lahat ng mga negosyo at kumpaniya sa Lusnod dahil dito mismo isinagawa ang Public hearing sa minimum wage increase.