CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng Information and Education Campaign ang Human Settlement Adjudication Commission o HSAC ngayong araw dito sa lungsod ng Cauayan
Layunin nito na maipaalam sa publiko ang presensya ng ahensya lalo na sa mga homeowners’ association at real estate management gaya ng subdivisions, consominiuma, memorial parks at iba pa.
Kabulang sa mga kaso na hinahawakan ng ahensya ay mga hindi marapat na real estate business practices.
Sa naging panayaman ng Bombo Radyo Cauayan kay attorney Mona Liza Abibico, ang Chief Regional Adjudicator ng HSAC Regional Adjudication Branch No. 2, sinabi niya na layunin ng programa na maipaalam sa publiko lalo na sa mga homeowners association at real estate agencies ang operasyon ng kanilang opisina
Aniya, mahalagang malaman ng publiko ang gampanin at hurisdiksyon ng HSAC nang sa ganoon ay alam nila kung saan pwede ilapit ang kanilang hinaing tungkol sa kanilang ari arian.
Kabilang sa mga kaso na hinahawakan ng HSAC ay ang Real estate management cases
Homeowners Association cases, at Balance Housing Disputes