--Ads--

Umapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na lubayan na sila matapos manawagan ang huli na kumilos ang hukbong sandatahan ng bansa upang maresolba ang ‘fracture’ o nabasag nang gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kaniyang mensahe, hindi man direktang sinabi ng dating Pangulo na magkudeta ang militar laban kay Pangulong Marcos ay nagpasaring ito kung susuportahan pa ang nalalabing apat na taong termino ng administrasyong Marcos dahil pinaratangan nitong adik umano ang punong ehekutibo.

Inihayag ni AFP spokesman Col. Francel Margareth Padilla bahagi na lamang ng nakaraan ang military adventurism o coup de etat.

Ayon pa kay Padilla, mataas ang trust rating ng AFP sa mga nakalipas na survey at lahat ng mga nangyayari sa ingay sa pulitika ay hindi nila nais makisawsaw pa.

--Ads--