CAUAYAN CITY- May pag-lilinaw ang Schools Division Office o SDO Isabela kaugnay sa catch up program kung saan naimungkahi ang pagsasagawa ng Saturday Classes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schoold Division Superintendent Dr. Rachelle Llana ng SDO Isabela sinabi niya na may schedule Make up classes na ang mga Eskwelahan dahil sa naging epekto ng mga bagyo sa pasok ng mga mag-aaral.
Aniya nagpasya sila na ilaan ang ilang araw ng Inservice Training ng mga Guro para sa make up classes’ ng mag-aaral.
Batay sa kanilang datos mag kakaiba ang araw na kailangan bunuin ng mga eskwelahan dahil sa sunod sunod na Bagyo maliban pa sa ilang LGU na may extended Class suspension bilang safety measures.
Titignan ngayon ng SDO Isabela ang mga competencies na hindi nakumpletyo dahil sa mga class suspension na siyang pupunan o hahabulin ng mga Guro sa ilalim ng catch up program.
Maraming mga Eskwelahan na ngayon ang nag simula sa catch up program na posibleng matapos ngayong 2024.
Posibleng magkaroon ng 40 minutes na extension classes sa umaga o hapon maliban pa sa mga Saturday classes.
Nilinaw naman niya na ang Saturday classes ay hindi naman mandatory dahil ang pamunuan ng Eskwelahan ang mag aasest kung kainakailangan pa ito.
Sakali man na may magulang na ayaw papasukin s aSaturday Class ang kkanilang anaak ay maaaring magbigay ng ibang modes of learning ang Guro gaya ng modules para matiyak na maipapatupad parin ang mga aktibidad o araling dapat mahabol o punan ng mga Estudyante.