--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi malabong magkaroon ng epekto sa ekonomiya ang hidwaan ng dalawang mataas na lider ng Bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay sonny Africa ang Executive Dirtector ng IBON Foundation sinabi niya na may epekto sa ekonomiya ng Pilipinas kung tatagal pa ang pagigirian nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Aniya, bagamat malaking issue sa usapin ng pulitika ngayon sa Pilipinas ay sanay na dito ang ilang mga investor o mga nagnenegosyo sa ganitong kalakaran ng pulitika sa bansa.

Sa katunayan aniya praktikal ang mga foreign investor at posibleng papasok parin sila sa pamumuhunan subalit ibang usapan na kung titindi pa ang hidwaan ay magkakaroon na ito ng negatibong epekto sa ekonomiya.

--Ads--

Nakakalungkot naman aniya na mas binibigyang pansin ngayon ng mga lider ng bansa ang makaupo sa pwesto sa halip na magsilbi sa taumbayan at lumikha ng maraming trabaho na tututgon sa napakarami pang problema sa bansa.

Isa itong harapang paglalantad na karamihan sa mga naihalal na opisyal ay mas pinag tutuunan ang usapin ng pulitika.