Sumampa na sa 767 heads ang na-culled na baboy ng Provincial Veterinary Office mula sa siyam na Bayan at 47 Barangays sa lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinary Officer Dr. Belina Barbosa, sinabi niya na naidagdag sa bayan na nakapagtala ng kaso ng african Swine Fever ay ang Cabagan at San Mateo Isabela.
Sa ngayon apektado ng ASF ang nasa 182 hograisers sa buong Lalawigan ng Isabela.
Sa kabila ng mga naitatalang kaso ay nanatiling kontrolado ang mga kaso at ang huling reported case ay noon pang November 19,2024.
Batay sa obserbasyon ng Provincial Veterenary Office, na madalas nagkakaroon ng kaso tuwing nakakaranas ng sunud-sunod na pag-ulan at kung kukunan ng blood samples ang mga baboy ay agad itong nag popositibo.
Sa ngayon ang dokumentong kinakailangan para matiyak na ligtas katayin o ibiyahe ang isang baboy ay ang negative laboratory result.
Ayon kay Dr. Barbosa kung nais ng mga negative na Bayan na magbiyahe ng baboy ay dapat maipakita muna ang negative result ng ASF, kasama ng Inspection Certificate at Veterinary Health Certificate upang mapatunayang ASF free ang baboy.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang pagpapatala nila ng indemnity claims para sa mga apektadong hograisers kung saan ang mga kwalipikado ay maaaring makatanggap ang Breeders ng 12,000 pesos per head, Fattener 8,000 pesos per head habang ang starter ay 4,000 pesos per head.
Wala namang matatanggap na anumang tulong ang mga hograisers na hindi nagreport na namatayan ng baboy.
Tiwala naman ang Provincial Veterinary Office na nanatiling sapat ang tustos ng baboy sa Lalawigan ngayong kapaskuhan.