CAUAYAN CITY- Nag-uwi ng kabuuang pitong medalya delegasyon ng Team Isabela sa katatapos na 2024 Batang Pinoy na ginanap sa Puerto Princesa Palawa.
Ito ay kinabibilangan ng 3 ginto sa Aero Gymastics, 1 ginto sa Archery….
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Manolo Bagunu, Sports Coordinator ng Schools Division Office o SDO Isabela, sinabi niya na kung ikukumpara sa nagdaang mga taon ay mas maganda ang performance ng Isabela sa Batang Pinoy ngayong taon dahil simula 2019 hanggang 2024 ay ngayon lang ulit nakasungkit ng medalya ang lalawigan.
Aniya, bago pa man tumungo sa Puerto Princesa ang kanilang delagasyon ay napangakuan na ang kanilang atleta ng insentibo mula sa mga Local Government Units.
Plano din nilang maghain ng proposal sa pamahalaang panlalawigan para sa cash incentives na ibibgay sa mga atleta.
Samantala, Pinaghahandaan naman nila sa ngayon ang Isabela Provincial Athletics Association na gaganapin sa Enero 9-12 sa susunod na taon matapos itong maantala dahil sa magkakasunod na bagyo na nanalasa sa lalawigan.
Dahil sa nanguna ang SDO Isabela sa nakaraang Cagayan Valley Regional Athletics Association Meet ay plano nilang panatilihin ang kanilang pwesto kaya tinututukan nila ang pag-eensyo ng mga atleta.