--Ads--

Aarangkada ngayong araw ang Nationwide Demo ng Automated Counting Machine o ACM na gagamitin sa National at Local Election 2025.

Sa  naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo sinabi niya na gaganapin ngayong araw sa Bamboo Hall ng Cauayan City Hall ang Automated Counting Machine Demo.

Aniya layunin nito na maipakita sa publiko kung paano gumagana ang mga ACM na gagamitin sa National and Local Election 2025.

Inaasahan na mas mapapabilis na ang pagbilang ng boto dahil sa mas hightech at mas transparent na ngayon ang ACM kumpara sa mga VCM’s na ginamit noong 2022 Elections.

--Ads--

Mababawasan na rin ang mga naitatalang technical problems sa casting ng balota dahil sa scanner na nasa loob na mismo ng ACM.

May pagbabago rin sa mismong balota na ngayon ay locally manufactured at mas manipis na sa dating ginagamit sa mga VCM.

Batay sa COMELEC ang Demonstration ay tatagal hanggang sa katapusan ng Enero 2025 habang ang kabuuang bilang ng mga makina ay dadating sa Lunsod ng Cauayan sa susunod na taon bago ang final testing at feeding.