Hinihikayat ng simbahang Katolika ang mga mananampalataya na makiisa sa Solemnity of the Immaculate Concepcion.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan sinabi niya na dahil naitaon ito sa 2nd Sunday of Advent ay inilipat ang pagdiriwang ng kapistahan ng Immaculate Concepcion sa December 9, 2024, araw ng Lunes.
Sa katunayan ay tinuturing na holiday of Obligation para sa Simbahang Katolika ang December 8, 2024, na siyang araw ng Solemnity of the Immaculate Concepcion subalit dahil sa nauunawaan ng Simbahang Katolika ang kalagayan ng maraming mga katoliko na naghahanap buhay tuwing weekdays ay sumulat sila sa Vatican para hilingin na huwag na gawing Obligatory ang pagsisimba sa December 9,2024.
Ayon kay Bishop Antonio bagamat hindi na Obligatory ay maaari pa ring magsimba ang mga mananampalataya na may sapat na oras sa nabanggit na petsa.