CAUAYAN CITY- Maari ng maglakad ng mga government papers nang hindi pumupunta sa mga government offices sa application na ginawa ng Department of Information and Communication Technology
Sa pamamagitan ng EGOVph application na dinevelop ng ahensiya, mula sa pagrerequest hanggang sa payment ng mga papers ay maari na itong gawin online
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Bryan Tomas, System Analyt 2 ng DICT Cauayan, sinabi nito na mas ligtas na rin ang paglalakad ng papers sa egov app dahil sumusunod ito sa data privacy act
Dagdag pa niya, hindi na rin magiging hassle para sa ating mga kababayan ang pagbyahe para makapunta sa mga ahensiya dahil pwede na itong gawin online
Paliwanag lang niya, kailangan lang puntahan ang mga requested documents sa mismong opisina ng isa partikular na ahensiya sakaling available na itong kunin
Nagpaalala rin siya sa publiko na kung maari ay tangkilikin ang nasabing application dahil ligtas ang paggamit nito.







