--Ads--

CAUAYAN CITY- Makikipag-uganayan ang Tumauini Police Station sa Pamahalaang Lokal ng Tumauini, Isabela upang bumuo ng resolusyon na magbabawal sa mga residente pangunahin na ang mga menor de edad na maligo sa ilog.

Ito ay matapos malunod ang tatlong bata sa Ilog na nasaskaupan ng Annfunan sa bayan ng Tumauini.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao, Chief of Police ng Tumauini Police Station, sinabi niya makikipag-usap din sila sa mga barangay na mayroong ilog sa kanilang nasasakupan na maglagay ng “No Swimming” zone sa mga ilog upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Matatandaan noong ika-3 ng Nobyembre ay nalunod ang magpipinsan na sina Jhon Philip J. Pazzibugan, Grade 3 pupil, Lawrence L. Bacani, Grade 4 at Jerome Bacani, Grade 6 sa ilog na bahagi ng Annafunan, Tumauini, Isabela.

--Ads--

Hindi umano alam ng mga magulang na magtutungo ang mga bata sa ilog dahil hindi naman umano nagpaalam ang mga ito na maliligo sila sa ilog malapit sa kani-kanilang bahay.

Nakatanggap na lamang aniya ng ulat ang mga magulang sa pagkalunod ng kanilang mga anak ngunit wala ng buhay ang mga ito nang matagpuan sa naturang ilog.