CAUAYAN CITY- Isinagawa ngayong araw ang distribution ng BRO Ed Allowance, Excise tax at I-rise cash incentives ng mga Benepisyaryo sa Minante 2, Cauayan City, Isabela.
1,129 na mga mag-aaral ang nakatanggap ng kanilang tig-tatlong libong cash allowance at sampung kilo ng bigas.
Maliban dito ay natanggap na rin ng nasa 105 na tobacco farmers ang kanilang Excise tax at 787 naman na mga IRISE beneficiaries ang nakatanggap ng kanilang cash incentives.
Ito ay dinaluhan ni Mayor Ceasar Dy Jr. maging ang mga Sangguniang Panlungsod Member ng Cauayan City at ni Governor Rodito Albano III.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano, sinabi niya na ang naturang aktibidad ay bahagi ng regular na programa ng lalawigan ng Isabela at wala itong halong pamumulitika.
Aniya, ang mga ganitong klase ng programa ay pagpapakita ng pagkakaisa ng mga IsabeleƱo sa kabila ng mga nangyayaring bangayan sa kongreso.
Hindi umano niya gusto ang mga nangyayari ngayon sa naturang kapulungan dahil naaapektuhan nito ang taumbayan dahil na rin sa nawawala ang focus ng mga kongresista sa paggampan sa kanilang tungkulin.