--Ads--

Walang nakikitang mali ang dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines sa pasya ng mga Mambabatas na huwag bigyan ng subsidy ang Philippine Health Insurance o Philhealth na bunga ng matinding korapsyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Doming Egon Cayosa dating Pangulo ng Integrated Bar of The Philippine sinabi niya na kung wala sanang kurapsyon sa Philhealth ay sapat ang binabayarang contribution ng mga miyembro para tustusan ang kanilang pangangailangang medikal bilang bahagi ng kanilang medical insurance.

Aniya subalit dahil sa paulit ulit na korapsyon gaya ng naglipanang frudulent claims ay laging nauubos ang pera ng mga miyembro kaya lagi itong nabibigayan ng subsidy ng pamahalaan hanggang sa madiskubre na may itinatanggong pondo o reserve fund ang Philhealth na nagkakahalaga ng 600 billion pesos.

Ayon pa kay Atty. Cayosa bagamat magandang pakingan na may ilalaang subsidiya ay hindi naman nakakatiyak ang taumbayan na ito ay mailalaan para sa dekalidad na serbisyo.

--Ads--

Iginiit niya na sa loob ng ilang taon ay paulit ulit ang ginawang imbestigasyon subalit wala pang nasasampahan ng kaso at walang napapanagot sa walang habas na paglulustay sa kaban ng bayan.