--Ads--

Nasungkit ng isang mag-aaral mula sa Tumauini, Isabela ang 7 medalya sa katatapos na Urdaneta Open Dancesport Competition na ginanap sa Urdaneta City, Pangasinan.

Siya ay Brainielle Sean Cayaba Bareno, Grade 9 student ng Regional Science High School.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Brainielle Sean Bareno, sinabi niya na dalawang category ang kaniyang sinalihan – ito ay ang Modern Standard at Latin American.

Nag-uwi siya ng tig-iisang gold medal sa Solo Junior Waltz, Solo Junior Tango, Solo Junior Quickstep, at Solo Junior C.

--Ads--

Tatlong gintong medalya rin ang kaniyang nakuha sa Closed One North Luzon Solo Jr. Waltz, Closed One North Luzon Solo Junior Tango- Gold at Closed One North Luzon Solo Junior Quickstep-Gold

Aminado siya na hindi naging madali ang pagsalang niya sa kompetisyon dahil challenging ang kanilang pag-eensayo ngunit kinakailangan umano ng disiplina para makapag-focus sa training.

Mahirap din aniyang balansehin ang pag-aaral at ang paghahanda para sa kompetisyon ngunit tinitiyak umano niya na nagagawa pa rin nito ang mga activities na kailangan niyang ihabol.

Nauunawan naman ng kanilang mga Guro ang kaniyang sitwasyon dahil suportado naman nila ang pagsabak nito sa iba’t ibang  kompetisyon.

Pinaghahandaan naman niya ngayon ang palarong pambansa 2025 na gaganapin sa Ilocos Norte dahil siya ang pambato ng Region 2 sa Dancesport.

Aniya mas challenging ang kaniyang preparation para rito dahil bago ang kaniyang partner at pagdating umano sa dancesport dahil kinakailangang paglaanan ng oras pag-develop sa partnering skills.

Ibinahagi naman niya na sa tuwing sumasabak sa siya sa mga kompetisyon at dinadasalan niya ang mga napanalunan niyang gintong medalya na lagi namang nagreresulta sa kaniyang pagkapanalo.

Samantala, target naman ni Brainielle na mairepresenta ang Pilipinas sa International Stage.