--Ads--

Namahagi ng maaagang pamasko ang Pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army sa mga nasasakupan nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, sinabi niya na personal na nagtuno ang Commander ng 5th ID na si BGen. Gulliver Señires sa Victoriano Luna Medical Center sa Quezon City upang iabot ang pamaskong handog sa mga sundalong kasalukuyang nagpapagaling.

Ang naturang mga sundalo ay hindi makakapag-pasko kasama ang kanilang mga pamilya dahil sa kanilang karamdaman.

Dinalaw din ni BGen. Señires ang pitong sundalo na kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Melchor F. Dela Cruz Station Hospital para bigyan ng tulong pinansiyal at Grocery items.

--Ads--

Ang mga pamaskong handog sa mga benepisyaryo ay bahagi ng kanilang nalikom na pondo sa isinagawa nilang fund raising activities sa mga nakalipas na mga araw.

Samantala, nahandugan din ng pamasko ang 18 na benepisyaryo sa women and protection center sa Lungsod ng Ilagan.

Kabilang sa mga ipinamahagi ay ang Sapatos, Damit, Relo, Bag, hygiene Kit at stuff  toys para sa mga bata.

Samantala, tutulong naman aniya ang kasundaluhan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pagsasagawa ng simbang gabi sa pamamagitan ng pag-dedeploy ng kanilang personnel sa mga simbahan.