Pahirapan ngayon ang sitwasyon ng mga nagbebenta ng mga parol ba may pailaw sa lungsod ng Cauayan dahil sa tumal ng bentahan
Ayon sa ilang mga gumagawa, hindi gaya noong nakaraang taon ang sitwasyon ngayon pagdating sa pagtangkilik sa kanilang mga ibinebenta
Ayon kay Ginang Eway Tan, Parol Vendor, matumal ang bentahan dahil sa mga sunod sunod na mga kalamidad na tumama sa probinsya
Aniya, posibleng hindi na isipin pa ng publiko ngayon ang pagbili ng magagarbong parol o may mga pailaw dahil sa hirap ng sitwasyon pagdating sa pera
Dagdag pa ng may ari, isa rin sa tinitignan nilang dahilan ay ang pagkakaroon ng mga online store na nagbebenta rin ng parehong produkto
Saad niya, mas maganda sana kung.sa mismong shop bumili ang publiko dahil may pagkakataon pa ang mga ito para masuri ang kanilang binibili
Subalit hindi naman niya masisi ang mga bumibili online dahil marami ang nagbebenta sa murang halaga
Umaasa naman ito na makakabawi ng benta bago matapos ang taon.