Pinasalamatan ni Mary Jane Veloso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Indonesian Prabowo Subianto at lahat ng mga tumulong para ito ay makabalik sa Pilipinas matapos ang 14 na taon na pagkakakulong sa Indonesia.
Nitong gabi ng Miyerkules ay dumating si Veloso sa Soekarno-Hatta International Airport habang pabalik na sila sa bansa.
Sinabi nito na nais niyang makapag-simba pagdating sa Pilipinas.
Kasama nitong sumakay sa eroplano ang ilang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangunguna ni Undersecretary Eduardo de Vega.
Pagdating sa Pilipinas sa umaga ng Miyerkules ay didiretso agad siya sa Correctional Institution for Women sa lungsod ng Mandaluyong para sa limang araw na quarantine.
Magugunitang nahaharap sa parusang kamatayan ang 39-anyos na si Veloso matapos na mahulian siya ng 2.6 kilos ng heroin sa Indonesia noong 2010.
Taong 2015 ng pansamantalang kinansela noon ni Indonesian President Joko Widodo ang kaniyang nakatakdang pagbitay.
Nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay nagkaroon ng kasunduan Pilipinas at Jakarta para ilipat sa bansa si Veloso.