Nakatanggap ng parangal ang 502nd Infantry Brigade Philippine Army sa ika-89th Founding anniversary ng Armed Forces of the Philippines sa Camp General Emilio Aguinaldo.
Ito ay ang Prestigious Campaign Streamer Award for Outstanding Accomplishments na iginawad mismo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col Melvin Asunsion, Hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya ang naturang parangay ay bilang pagkilala sa magkakasunod na accomplishement ng naturang unit na may kaugnayan sa pagsugpo ng insurhensiya sa lambak ng Cagayan.
Isa sa malaking basehan sa pagagawad sa kanilang parangal ay ang matagumpay na pagdis-mantle ng 502nd Brigade sa Komiteng Probinsya (KomProb) Cagayan at Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).
Ito na ang pangalawang pagkakataon ngayong taon na nagawaran ng kaparehong parangal ang naturang unit kung saan natanggap nila ang unang award noong ika-15 ng Enero 2024.