--Ads--

Nangako si US president-elect Donald Trump na ititigil ang “transgender lunacy”sa unang araw ng kanyang pagkapangulo kasabay ng matinding pagtutol sa pagsusulong ng karapatan para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Estados Unidos.

“Lalagdaan ko ang isang executive order para wakasan ang child sexual mutilation, alisin ang transgender sa militar maging sa mga eskwelahan mula elementary, middle school at high school,” sabi ng president-elect sa isang event para sa mga batang konserbatibo sa Phoenix, Arizona.


Nangako rin siya na “aalisin ang mga lalaki sa sports ng kababaihan,” idinagdag nito na ang opisyal na kasariang tatanggapin o kikilalanin sa Amerika ay tanging lalaki at babae.”

Noong nakaraang linggo, nang aprubahan ng Kongreso ng US ang taunang badyet at kasama nito ang isang probisyon upang harangin ang pagpopondo sa ilang gender-affirming care na nagbibigay ng serbisyo sa mga trangender children ng mga service ng mga service members.

--Ads--