--Ads--

Muling umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa employer sa pribadong sektor na ibigay na ang 13th month pay ng kanilang mangaggawa, isang araw bago ang deadline na itinakda ng batas.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang departamento, gayundin ang mga empleyado, ay tunay na nagpapasalamat sa pagtanggap ng benepisyo, na kinakailangan sa ilalim ng Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851.

Umaasa si Laguesma na susunod ang mga employer kung ano man ang itinakda ng batas.

Nanawagan din si Laguesma sa mga empleyado na hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay pagkatapos ng December 24 deadline na ireport sa kanila.

--Ads--