--Ads--

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga tindahan na nagbebenta ng iligal na paputok.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na ang mga lalabag na may-ari ng tindahan ay maaaring makansela ang kanilang mga permit at kumpiskahin ang kanilang mga paputok.

Para sa pagbebenta ng illegal na paputok online, sinabi ni Fajardo na nagsasagawa ng operasyon ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) mula pa noong ika-6 ng Disyembre.

Nasa kabuuang 541 illegal firecrackers na nagkakahalaga ng P14,370 ang nakumpiska sa tatlong operasyon.

--Ads--

Karamihan sa mga ito ay five star, kwitis at pastillas.

Batay sa Executive Order 28 at Republic Act 7183, tinukoy ang kabuuang 28 na ipinagbabawal na paputok kabilang ang watusi, piccolo, five star, pla-pla, lolo thunder, at iba pa.