Gumastos umano ang Department of Education (DepEd) ng P1.064 billion para sa unusable digital infrastructure project kahit na ang key components ng sistema ay hindi naibigay.
Batay sa 2023 Commission on Audit (COA) report, nagbayad ang DepEd ng higit 78% ng P1.356-Bilyong kabuuang halaga ng proyekto sa isang contractor kahit na may problema sa financial capacity at record na delay ang mga proyekto.
Ang proyekto ay sa ilalim ng noo’y DepEd secretary Leonor Briones na isang pagsasayang lamang ng pondo ng pamahalaan.
Ayon pa sa COA, patuloy ang bayad ng DepEd sa proyekto kahit hindi pa ito natatapos.
Nagkaroon pa ng dagdag na gastos dito ang DepEd tulad ng P22.6-M extra maintenance fees at P9.06-M halaga ng unused computer equipment na nakitang nakatiwangwang sa isang regional office.
Kinuwestyon din ng COA ang pag-award ng DepEd sa P697-M contract sa Phase II ng isang joint venture kahit na ang isang kompanya ay mayroon lamang P92.5-M net worth at may record na palagiang delayed ang pagtatapos ng malalaking proyekto.