Inanunsyo ng Philippine National Police nitong Linggo na nasamsam sa anti-narcotics crackdown nito ang mahigit P20 bilyong halaga ng iligal na droga ngayong taon.
Sinabi ni Police General Francisco Marbil, PNP chief, na nasabat sa anti-drugs campaign ng Marcos government ang kabuuang P20.7 bilong halaga ng ilegal na droga mula January 1 hanggang December 15, 2024.
Tumaas ito ng 101 porsyento kumpara noong 2023, base pa sa opisyal.
Ayon kay Marbil, 46,821 anti-drug operations ang isinagawa ng mga police unit sa buong bansa, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 57,129 indibidwal.
Kabilang sa mga nakumpiskang ilegal na droga ang shabu, marijuana, ecstasy, cocaine, ketamine, at kush.
Tinukoy ng PNP at ng Pangulo ang kanilang anti-illegal drugs approach na “bloodless.”