--Ads--

CAUAYAN CITY- Maigting na binabantayan ng Santiago City Police Office ang daloy ng trapiko sa Lungsod ng Santiago ngayong bisperas ng pasko.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Saturnino Soriano, tagapagsalita ng Santiago City Police Office, sinabi niya na nagpapatupad sila ng diversionary route upang mabawasan ang influx ng mga sasakyan pangunahin na sa mga bagong establishimento sa barangay Mabini.

Maayos naman aniya ang kooperasyon ng mga publiko sa mga ipinapatupad nilang panuntunan.

Samantala, maigting din nilang minomonitor ang mga firecracker zone sa Santiago City at bago pa man aniya nagsimulan magbenta ang mga firecracker vendors ay nagkaroon na sila ng mga Information Campaign upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman hinggil sa mga ipinagbabawal na paputok.

--Ads--

Mayroon aniya silang mga intelligence operatives na nagmomonitor sa mga ibinebentang paputok sa Lungsod pangunahin na ang mga nagbebenta ng walang permit.