--Ads--

CAUAYAN CITY-Nasampahan na ng kaso ang lalaking brutal na pumatay sa sarili niyang kinakasama sa Purok 3, Brgy. San Antonio, Delfin Albano, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Angelo Pagulayan, Hepe ng Delfin albano Police Station, sinabi niya na naisampa na nila ang kasong homicide laban kay Ferdie Catembung, 43-anyos matapos niyang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kaniyang kinakasama na si Grace agas, 45-anyos.

Aniya, nag ugat ang pag-aaway ng suspek at biktima matapos umanong tangkain ng biktima na agawin ang cell phone ng suspect.

Dahil sa hindi pag kakaunawaan ay pinagsasaksak ng suspect na si Catembung ng 31 na beses ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

--Ads--

Isa sa sinisilip na dahilan ngayon sa krimen ay selos.

Matapos ang krimen at nagsumbong umano ang suspek sa isa sa kanilang kaanak bago sumuko sa PTU ng Barangay San Antonio.

Ayon sa mga nakukuha nilang impormasyon si Grace ay ikatlo na sa mga naging karelasyon ng susppek at madalas na nag tatalo ang mga ito.