CAUAYAN CITY- Hindi pabor ang ilang mga namamasadang tricycle sa lungsod ng Cauayan sa panibagong ordinansa na gawing taon-taon o yearly ang pagpapa renew ng prangkisa sa halip na kada tatlong taon.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Tony Vargas, tricycle driver, malaking pasanin nanaman aniya nila ito lalo pa at libo libong halaga nanaman ang kanilang magagastos.
Dati kasi aniya ay kada tatlong taon ang renewal kaya napag-iipunan pa nila ito at hindi masakit sa bulsa.
Ngayon ay kinakailangan nanaman aniya nila na maghanda ng dalawang libo kada taon para lamang sa pagpapa renew at pagkuha ng tricycle permit.
Bukod dito ay masyado rin umanong nakakaabala sakanilang mga namamasada ang paglalakad ng mga requirements tulad na lamang ng pagkuha ng iba’t-ibang mga dokyumento.