--Ads--

Umabot na sa 126 na katao ang nasawi makaraan ang nangyaring malakas na lindol sa rehiyon ng western China at mga lugar sa Nepal nitong Martes, ika-7 ng Enero.

Batay sa mga impormasyon ay patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga rescuers sa bahagi ng Tibet Region para maghanap ng mga survivor matapos nasira ang daan-daang kabahayan, mga kalsada at marami pang iba ang na-trap habang dose-dosenang aftershocks ang nararamdaman pa rin sa liblib na rehiyon.

Ayon pa sa mga impormasyon na hindi bababa sa 188 katao ang sugatan sa Tibet sa parte ng China.

Ayon sa U.S. Geological Survey ang lindol ay isang 7.1 magnitude at tinatayang mayroon lalim na humigit-kumulang 10 kilometro.

--Ads--