--Ads--

Patuloy ang ginagawang monitoring ng National Meat Inspection Services sa mga pumapasok na baboy sa Region 2.

Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Technical Director Ronnie Ernst Duque ng National Meat Inspection Services, sinabi niya na mas lalo nilang pinaigting ang kanilang Antemortem Inspection sa mga slaughterhouse upang matukoy kung mayroong sakit ang mga baboy na kakatayin.

Sa ngayon ay mayroon aniyang naiulat sa kanilang tanggapan na suspected case sa Gonzaga Slaughterhouse sa Lalawigan ng Cagayan at inaantay na lamang sa ngayon ang resulta ng isinagawang examination upang matukoy kung positibo ito sa ASF.

--Ads--

Nagsagawa na rin sila ng inspection upang matukoy kung saan galing ang baboy na nakitaan ng clinical signs.

Aniya, kapag nakitaan ng suspected case ang isang slaughter house ay ipinapahinto pansamantala ang operasyon nito habang isinagawa ang swab test at upang bigyang daan ang intensive disinfection sa lugar.

Nilinaw din niya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakatay ng mga livestock animals sa mga bahay dahil kinakailangan itong isagawa sa loob ng slaughterhouse upang maisailalim sa inspection.