CAUAYAN CITY- Nasugatan ang isang Lalaki matapos na maaksidente ang ninakaw nitong motorsiklo sa Barangay Cabanungan 1st City of Ilagan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kapitan Bobot Maur ng Cabanungan 1st City of Ilagan sinabi niya na bago insidente ay nagsasagawa sila ng monitoring laban sa mga open pipe o baw baw na motorsiklo katuwang ang SWAT.
Aniya, napansin nila ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki na may takip sa mukha.
Ilang sandali ay nakatanggap na sila ng ulat mula kay Ginoong Virgilio Javier Jr. Matapos tangayin ang kaniyang euro motorcycle.
Makalipas ang ilang sandali ay nakatanggap naman sila ng impormasyon mulas sa isang Pulis kaugnay sa motorsiklo na nahulog umano sa gilid ng daan.
Agad ay inutusan niya ang kaniyang mga tanod para isecure ang area.
Sa kanilang pagtatanong tanong na pag alaman na ang motorsiklong nahulog sa daan ay ang ninakaw na rolling motorsiklo napaulat sa Barangay Lullutan subalit ng suriin ang motorsiklo ay wala na doon ang driver nito.
Ilang impormasyon pa ang naiparating sa kanila na isang hindi kilalang sugatan na Agta ang pumasok umano sa isang bahay na katabi lamang ng bahay ng biktima at doon na umano nakatulog.
Ng kausapin ang suspek ay inamin nito na siya kasama ang dalawnag iba pa ang tumangay sa motorsiklo ng biktima.
Sinubukan ng PNP na habulin pa ito subalit nakalayo na ang mga biktima at nagtungo na sa direksyon ng Barangay Siffu.
Panawagan niya ngayon sa mga kapwa Barangay Officials at mga motorista na huwag basta basta magtiwala para hindi mabiktima ng kawatan.