Umakyat na sa lima ang nasawi sa nagaganap ngayong wild fire sa Los Angeles County sa California.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na ito na ang itinuturing na most devastating wildfire sa kasaysayan ng Los Angeles matapos na lumikas na ang nasa 150,000 na mga residente kabilang ang ilang Celebrity.
Aniya tulong tulong na ngayon ang lahat ng mga bumbero sa pag apula ng sunog lalo at nagpapahirap sa ginagawang operasyon ang limitadong supply ng tubig.
Nasunog na ang nasa sa 15,800 ektarya ng lupan at mga kabahayan Malibou at Sta. Monica.
Isa sa nakikitang dahilan sa mabilis na pagkalat ng apoy ay ang malakas o Sta. Anna winds na may estimated wind speed na 80 to 100 miles per hour.
Sa ngayon may ilang mga Pilipino na na nasa naturang lugar ang naapektuhan at nanawagan ng tulong gaya ng pagkain, inumin at pansamantalang matutuluyan.
Samantala, maliban sa naglalagablab na wildfires sa Los Angeles ay may babala na rin ng matinding snowstorm sa Dallas, Texas simula Hwebes hanggang araw ng Biyernes kaya naman naghahanda na rin sila dahil sa posibleng pagkaantala ng flights palabas ng Dallas.