Hinikayat ng Business Permit and Licensing Office o BPLO Cauayan City ang publiko na samantalahin ang 10 percent discount para sa pagrerenew ng kanilang business permit.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Sherwin De Luna, Officer ng Business Permit and Licensing Office Cauayan City sinabi niya na na nagsimula na ang renewal ng business permit at prangkisa para ngayong taon kaya hinikayat niya ang mga negosyante at tricycle driver na magtungo na sa kanilang tanggapan.
Ginawa na kasing yearly ang renewal ng prangkisa kaya ang mga prangkisa ay mag-eexpire tuwing March 15 at kung hindi mairerenew ng isang tricycle driver ang kanyang prangkisa ay maaring I-award o ibigay na ito sa iba.
Dahil sa naupdate na Revenue Code ay nabago na rin o mas tumaas ang babayaran mula sa dating P200 sa nakaraang halos dalawang dekada ay naging P400 na ngayon.
Nagsimula ang renewal kahapon at marami na rin aniya ang nagtungo sa kanilang tanggapan para magparenew o kumuha ng prangkisa maging business permit ng mga negosyante.
Pangunahin pa ring requirement sa renewal ng prangkisa ang Voter’s Registration, Cedulla, Barangay Clearance, updated na OR/CR ng motorsiklo, drivers license, valid ID at Police Clearance.
Ang mga magrerenew naman ng Business Permit ay kailangan ng DTI/SEC/CDA Registration, Basic Computation of Taxes and Charges o kapital ng negosyo, lease contract o kung may-ari ng negosyo ay proof of authority ng establishment o lot kung saan itatayo o nakatayo ang negosyo at Cedulla.