--Ads--

May ilang paalala ang isang Abogado kaugnay sa tamang pagpapatupad ng Gun ban ngayon Election Period.

Ayon kay Atty. Christian Gonzales na hindi lahat ng mga alagad ng Batas tulad ng PNP, AFP at Security forces ay otomatikong exempted sa Election Gun Ban.

Aniya exempted lamang ang mga law enforcers kung sila ay nakapag secure ng permit o certificate of exemption mula sa COMELEC ilang Linggo bago ang Election period subalit hindi dahil may pahintulot ay hindi na sila maaaring lumabag dito.

Paglilinaw niya na otorisado lamang magdala ng baril ang Law Enforcers na may pahintulot ng COMELEC kung sila ay naka uniform, naka Duty  o actual perfromance of Duty.

--Ads--

Maari ring mapatawan ng paglabag sa Omnibus Election Code ang mga opisyal maging civilian gun owners na may permit to carry o permit to posses firearm ng walang exemption mula sa COMELEC kung saan maaari silang makulong isang taon ganggang anim na taong pagkakabilango at permanent disqualification of public office.

Maliban sa mga exempted sa gun ban ay may paglilinaw din siya sa protocol sa ilalatag sa COMELEC Checkpoint ng PNP.

Ayon kay atty. Gonzales otorisado lamang ang mga Pulis na mangangasiwa sa Checkpoint na magsgawa ng visual search sa mga sasakyan.

Ang pahayag na ito ay dahil sa pangamba ng publiko na magkakaroon ng paghihigpit at paghahalughog sa mga sasakyan at motorsiklo.

Binigyang diin niya na hindi required sa ilalim ng Election Law na buksan ang compartment ng sasakyan o motorsiklo.

Anumang kontrabandong masasamsam sa pamamagitan ng sapilitang pagbubukas o paghahalughog ay maaaring maging inadmissibble sa korte kung gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaso maliban na lamang kung magkakaron ng probable cause gaya ng pagtakas sa checkpoints.

Ituturing namang lehitimong checkpoint ng PNP kung sila ay may signage, may presensya ng Police Mobile,well ligthed at  ang Pulis na nangangasiwa ay naka complete uniform.