--Ads--

Nag-paalala ang pamunuan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa mga motorista para sa mga nakatakdang ipatupad sa mga COMELEC checkpoint hudyat ng pagsisimula ng Election period mula ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid ang tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sinabi niya na mula kanilang madaling araw ay nag transition na ang lahat ng Anti-Criminality checkpoints bilang COMELEC Check points sa buong bansa.

Sinimulan ang deployment ng PNP personnels pagpatak pa lamang ng alas dose ng madaling araw.

Naatasan ang mga himpilan ng Pulisya na maglatag ang kani kanilang checkpoints sa mga border areas.

--Ads--

Mapalad ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya dahilwalang mga lugar sa probinsya ang napabilang sa Election hot spot.

Paalala ng Pulisya na hinid lamang gun ban ang kanilang ipapatupad mananatili silang alerto sa iba pang mga kontrabando gaya ng Illegal cut woods at droga.

Magkakaroon naman sila ng scheme para maiwasan na magdulot ng mabigat na trapiko ang gagawing paglalatag ng checkpoints.