--Ads--

Kinasuhan na ng Department of Justice ang 30 miyembro ng Philippine National Police kabilang ang dalawang heneral na sangkot sa pagtatanim ng ebidensya at unlawful arrest sa isinagawang drug raid noong October 2022.

Sa nabanggit na operasyon nasakote ng PNP ang P6.7 bilyon na halaga ng shabu sa Maynila.

Sa 47 pahinang resolusyon ng DOJ panel of prosecutors, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 partikular na ang pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Section 29.

Nag-ugat ang reklamo mula sa umano’y isinagawang buy-bust operation laban sa Wealth and Personal Development Lending Inc. (WPD) sa Tondo, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto kay Nely Saligumba Atadero at pagkakasamsam ng ₱6.7 bilyon na halaga ng shabu noong Oktubre 8, 2022 at pagkakaaresto kay PMSG Rodolfo B. Mayo noong 2022 sa Quiapo, Manila.

Si Mayo, miyembro ng PNP Drug Enforcement Group at isa sa mga respondent, ay naaresto umano sa isinagawang “hot pursuit” sa Quezon Bridge sa Quiapo,Maynila.

Ang “pag-aresto” kay Mayo at sa isang Ney Atadero sa umano’y buy bust operation ang sinassbing kunwari lamang.

Sinabi ng DOJ na ang salaysay ng pulisya ay salungat sa nakita sa CCTV footage na iprinisinta ng CIDG at ng Napolcom.