Binigyang pagkilala ng Department of Tourism Region 2 ang Bombo Radyo Cauayan bilang nangungunang partner ng kagawaran pagdating sa serbisyo publiko at sa Turismo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dr. Troy Alexander Miano ng DOT Region 2 sinabi niya na matagal nang katuwang ng Department of Tourism ang Bombo radyo sa paghahatid ng mga impormasyon na nakakapag-angat sa antas ng turismo sa Lambak ng Cagayan.
Samantala, Target ng Department of Tourism Region 2 na maging susunod na Tourism Destination o tourism Hub ang lambak ng Cagayan.
Ayon kay Regional Director Dr. Miano, upang maisakatuparan ang hangaring ito ay kinakailangang palakasin ang antas ng mga sektor ng pagkain na nagpapakita sa yaman ng isang lugar.
Dahil dito ay nagsagawa sila ng 3-day beverage services seminar workshops upang mabigyan ng sapat na pagsasanay ang mga restaurants sa Region 2 na accredited ng DOT.
Aniya, pagkain ang unang hinahanap ng mga turista sa isang Tourist destinanation.
Kaugnay nito ay isasagawa ang Regional Pansit Festival sa ika-23 ng Enero sa Region 2 na kauna-unahan sa buong bansa.
Isho-showcase sa naturang piyesta ang iba’t ibang pansit recipe sa Rehiyon gaya na lamang ng Pancit Cabagan, Pansit Batil Patong, Pansit Guisado at atbp.
Pinaghahandaan na rin nila sa ngayon ang nalalapit na Bambanti Festival na na nakakapagtaas sa Turismo ng Lalawigan ng Isabela.