--Ads--

 CAUAYAN CITY- Matagumpay na naaresto ang dalawang suspek sa paglabag sa Presidential Decree 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).

Ang operasyon ay isinagawa ng Quirino Police Intelligence Unit (QPIU), katuwang ang Aglipay Police Station, DCOP, RIU2, at 1st Quirino Provincial Mobile Force Company sa Purok 4, Pinaripad Sur, Aglipay, Quirino.

Naaresto ang mga suspek na sina alyas “Rey”, residente ng Brgy. Balligui, Maddela, Quirino, at alyas “David”, residente ng Brgy. San Manuel, Aglipay, Quirino. Nahuli sila habang nagdadala ng mga iligal na kahoy na may kabuuang sukat na halos 1,000 board feet, tinatayang nagkakahalaga ng limampung libong piso (₱50,000).

Nakumpiska rin ang dalawang sasakyan na ginamit sa operasyon: isang puting Hyundai Grace van na may plate number WTZ 845 at isang silver Besta na may plate number XAN 431.

--Ads--

Ang mga nakumpiskang kahoy at sasakyan ay dinala sa Aglipay Police Station para sa kaukulang disposisyon.Samantala, ipinaalam din sa mga suspek ang kanilang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Aglipay Police Station para sa dokumentasyon bago iharap sa korte.