--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang Lalaki sa bayan ng Alfonso Castañeda matapos niyang aksidenteng mabaril ang kaniyang kaibigan habang nasa loob ng bahay inuman.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Mariano Antonio ang Intel Operation PNCO ng Alfonso Castañeda Police Station sinabi niya na, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang concerned citizen kaugnay sa naganap na pagpapaputok ng baril sa Sitio Balintugo, Barangay Lublub.

Agad na rumesponde ang kapulisan at naabutan nila sa lugar partikular sa isang bahay inuman ang suspek at ang duguang biktima na nagtamo ng isang tama ng baril sa binti.

Batay sa kanilang pagsisiyasat dala ng suspek ang kaniyang kalibre kwarentay singko na baril na kargado ng bala  at dahil sa sobrang kalasingan ay aksidente niya itong nakalabit habang binubunot ang baril.

--Ads--

Tumama ang bala sa sahig at bumalandra at tumama sa binti ng kaniyang kasama, agad dinala ang biktima sa RHU Alfonso Castaneda kung saan siyang nalapatan ng paunang lunas.

Dahila sa walang papel at walang certificate of exemption mula sa COMELEC ay kinumpiska ng mga otoridad at baril at dinakip ang suspek na ngyaon ay mahaharap sa kasong paglabag sa Election Gun ban.

Paalala muli ng Pulisya na mahigpit na ipinagbabawal ngayong umiiral ang gun ban ang pagdadala ng baril kung walang certificate of exemption mula sa Comelec  bilang paglabag sa Omnibus Election Code.