Binigyang diin ng 5th Infantry Division Philippine Army na non-partisan at non-political ang mga kasundaluhan pangunahin na ngayong Election period.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion, hepe ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, sinabi niya na katuwang ang kanilang hanay sa pagtiyak sa seguridad ng publiko kaya naman nagpakalat na sila ng mga personnel sa mga strategic area.
Nananawagan naman siya sa lahat na maging cooperative sa mga awtoridad lalo na sa mga nagbabantay sa mga comelec chenckpoints.
Huwag aniyang mabahala kapag nakakita ng mga checkpoints dahil nangangahulugan lamang ito na ginagawa ng mga kapulisan at mga kasundaluhan ang kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Pinayuhan naman niya ang mga indibidwal na mayroong mga firearms na huwag na itong dalhin sa pampublikong lugar lalo na kung walang certificate of firearms mula sa comission on election.