Naging mapayapa ang pagsisimula ng Election Period sa lungsod ng Santiago.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer ng Comelec Santiago, sinabi niya na wala silang naitalang anumang hindi kanais-nais sa pagsisimula ng paglalatag ng Comelec Checkpoint.
Aniya wala rin naman silang naitalang mga election related incident mula pa sa mga nakalipas na halalan dahil nasa Green Category ang Santiago City.
Sa ngayon ay wala rin silang naitalang untoward incidents sa mga inilatag na labing isang Comelec Checkpoint sa mga lansangan sa lungsod.
Katunayan ay nagsagawa muli sila ng pangalawang Joint Security Control Center Meeting katuwang ang ibat-ibang partner agencies ng Comelec upang pagplanuhan ang mga measures para matiyak ang mapayapang halalan sa Santiago City.