Naapektuhan ng Re-assignment ngayong Election Period ang nasa pitumpu’t siyam na Pulis sa Lalawigan ng Isabela na may kamag anak na kandidato.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director PCol. Lee Allen Bauding, sinabi niya na layunin ng re-assignment na matiyak ang integridad at pagiging apolitical ng buong hanay ng IPPO ngayong halalan.
Aniya naging matagumpay ang ginawang paglilipat ng PNP personnel na ibinase sa pangangailangan ng ibang Police Station.
Mula sa 79 PNP personnels 8 ang Chief of Police, 39 ang PCO at Non PNCO habang 35 ang re-shuffled.
Ilan sa mga Chief of Police na nailipat ng himpilan ay ang Benito soliven, Luna, Dinapigue, at Burgos.
Natutuwa naman siya dahil nakipagtulungan mismo ang kanilang Personnel para matukoy ang mga Pulis na may kamag anak na politiko hanggang 4th degree.