Dapat isiping maigi ng korte suprema ang praktikal na epekto ng kanilang desiyon sa halip na pagtuunan lamang ng pansin ang mga legal at constitutional issues.
Ito ay matapos masayang ang milyon-milyong balota matapos maglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order na pumapabor sa limang kandidatong idineklara bilang nuisance at disqualified candidates.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na nauunawaan nito na ang korte suprema ay nakatuon sa mga legal issues at hindi nito saklaw ang praktikal na epekto ng kanilang desiyon ngunit kung pera ng taumbayan ang pinag-uusapan ay kailangan umano nilang tingnan ang implikasyon nito.
Umabot na kasi sa 6 milyon na mga balota na may kabuuang halaga na 132 Million pesos ang hindi na mapapakinabangan pa dahil sa TRO na inilabas ng Korte.
Mayroon kasi aniyang schedule na sinusunod ang Comelec kabilang na kung kailan mag-iimprenta ng balota kailangan umano nila itong sundin.