--Ads--

Hati ang reaksyon ng mga Israeli sa Ceasfire Deal ng Israel at Hamas.

Matatandaan na nagkasundo ang Hamas at Israel sa ceasefire deal at ang pagpapalaya sa mga bihag na nasa Gaza kapalit ng mga Palestine prissoner na nasa Israel na epektibo sa ika-19 ng Enero.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Trooper Mariano na bagama’t maraming mga Israeli ang natutuwa sa ceasefire ay marami rin naman ang hindi pabor dahil naniniwala umano sila na hindi pa tapos ang misyon ng kanilang mga Militar sa Gaza.

Target kasi ng Israel na sirain ang mga rocket, tunnel at iba pang kagamitang pandigma sa Gaza upang hindi na maulit pa ang pang-aatake ng mga ito ngunit marami pa silang hindi nasisira.

--Ads--

Gayunpaman ay sisimulan na ng Israel ang pag-release sa mga hostages kung saan uunahin nilang pakawalan ang mga bata at matatanda bilang tugon sa napagkasunduan.

Sa ngayon aniya ay hindi pa rin maayos ang sitwasyon sa naturang bansa dahil mayroon pa ring mangilan-ngilang mga rocket attacks mula sa Yemen at Gaza.

Mayroon din aniyang mga karahasan na nangyayari sa mga pampublikong lugar kung saan may bigla na lamang mananaksak o mambabaril ng sibilyan kaya naman patuloy ang ginagawang pagpapaalala ng Embahada ng Pilipinas sa mga Pilipinong namamalagi sa naturang bansa.