Muling nagpaalala ang Commission on Election o COMELEC Cauayan City sa mga gun owners na kumuha ng kanilang Certificate of Gun ban Exemption.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo maaaring mag apply ng Certificate of Gun ban Exemption ang mga gun owners online.
Aniya magpunta lamang sa kanilang website at doon mag fill up ng mga kinakailangang impormasyon.
Paalala niya na kahit na nag apply ng certificate o exemption ay hindi parin maaaring magbiyahe o magbitbit ng baril ang mga gun owner sa labas ng kanilang bahay dahil ang Certificate of Exemption ay pagdedesisyunan at pag-aaralan ng COMELEC bago aprubahan at may mga pagkakataon na kahit nag apply ay nade-deny ang kanilang aplikasyon.
Paalala niya na sa gun ban hindi lamang lehitimong baril ang sakop ng gun ban kundi maging mga toy gun o pellet guns at airsoft gun.
Babala niya na sino mang mahulian nito ay mahaharap sa kasong paglabag sa Election Gun Ban sa ilalim ng Omnibus Election Code.