Nagkaroon ng augmentation ang PNP para sa Ilagan Police Station sa karagdagang pwersa sa pagdiriwang na Bambanti Festival 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Noralyn Andal, PIO ng Ilagan City Police Station sinabi niya na magtatalaga ang Isabela Police Provincial Office ng ilang PNP personnel sa gaganaping pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025.
Pangungunahan ito ng Ilagan Police Station kung saan naglatag sila ng security plan sa iba’t ibang strategic areas sa Lunsod para matiyak ang kaayusan sa kabuuan ng Festival.
Maliban sa seguridad ay aaiste din ang Ilagan Police station s apagpapanitili ng maayos na daloy ng trapiko.
Tinyak naman ng PNP na hindi makakaapekto sa kanilang pagbabantay sa COMELEC checkpoint ang karagdagang tungkulin ngayong Bambanti.
Hinihiling din nila ngayon ang koordinasyon ng mga motorista para sa mas mabilis na proseso at maayos na daloy ng trapiko.
Hinihintay naman nila ang ilalabas na Traffic scheme ng City of Ilagan LGU para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga motorista maging turista na dadagsa sa Lunsod.