Hinikayat ng Business Permit and Licensing Office Cauayan City ang mga Business owner na humabol na sa para sa Assessment at Renewal ng kanilang mga negosyo.
Ayon kay Atty. Sherwin De luna na bagamat pinalawig ang deadline para sa renewal at registration ay ay nanatili ang assesment deadline ngayong araw gayunman pinag-aaralan pa kung papatawan ng surcharge at penalty ang mga late assestment.
Ngayong taon ay nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa bvabayaran ng mga retailer mula sa dating 1.5% ay tumaas ito sa 2% para sa mga 400,000 below habang tumaas ng 3.5% para sa mga 400,000 pataas ang gross.
Ang dahilan nito aniya ay ang pagbabago sa revenue code kung saan nagkaroon ng pagbabago sa rate.
Sa ngayon ay nasa humigit kumulang 50% pa lamang ng lahat ng mga negosyo sa Lungsod ang nakapagpa-assess.