Mas maraming bilang ng mga pasahero ang naitatala ngayon kasunod ng pagdaragdag ng isang airline sa Cauayan City Airport.
Matatandaan na nitong January 15 nang magbukas ang pinakaunang flight ng isang airline na biyaheng Manila to Isabela at Vice Versa
Sa monitoring ng Cauayan Airport Police, nakitaan ng pagdagsa ng mas madaming bilang ng pasahero mula nang magkaroon ng panibagong airline ang nasabing paliparan.
Bukod dito, mas pinalawig din ang ginagawang pag-iinspeksyon sa mga bitbit na bagahe ng mga mananakay
Sa tala ng airport police, wala pa namang nahuhuling mga security risk items sa mga byaheng papuntang Manila
Ngunit may ilang naitala na sila sa mga biyaheng papuntang coastal area kung saan mga bala ang karaniwang nakukumpiska.
Kasunod nito, nagbigay paalala rin ang airport police sa lahat ng mga mananakay na kung maari ay huwag nang isama sa kanilang bagahe ang mga bala
May ilan kasi na hanggang ngayon ay ginagawang anting anting o pampaswerte ang mga bala na mahigpit na ipinagbabawal kapag sasakay sa eroplano